--Ads--

CAUAYAN CITY- Isang Public Holiday ang Edil al-Adha sa Kingdom of Saudi Arabia.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Jobel Tingle na ang Edil Adha o Feast of Sacrifice ay ipinagdiriwang ng mga Muslim bilang pagkilala sa sakripisyo ni Propeta Abraham.

Bilang pagdiriwang ay naghahanda sila ng tupa o kaya kambing na kanilang ibinabahagi sa kanilang pamilya at sa ibang tao.

Ang Edil Adha ay isang holiday sa Saudi Arabia dahil pagkakataon ito para sa mga Muslim para mag pilgrimage.

--Ads--

Dumadalo sa Hajj Celebration ang mga muslim mula sa ibat ibang bahagi ng mundo at nagtutungo sila sa Mecca na itinututiring na Holy land ng mga Muslim.

Dahil naman sa mainit na panahon sa Kingdom of Saudi Arabia ay mayroong mga nasawi na Jordanian Citizen habang isinasagawa ang pilgrimage.