--Ads--

Kikilos na sa sesyon ng Senado ang minorya para i-mosyon na masimulan na ang proseso ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa pulong balitaan sa Senado, inanunsyo ni Senator Risa Hontiveros ang hakbang na gagawin nila ni Senate Minority Leader Koko Pimentel sa sesyon para mapag-convene na ang impeachment court.

Sinabi ni Hontiveros na sila mismo ni Pimentel ang magmomosyon para sa opening rites ng impeachment na susundan ng pagpapanumpa kay kay Senate President Chiz Escudero bilang presiding officer ng impeachment at panunumpa ng mga senator judges.

Imomosyon din nila ang pag-co-convene ng Senado bilang impeachment court at ang pagprisinta ng articles of impeachment sa plenaryo.

--Ads--

Iginiit ni Hontiveros na hindi aabutin ng isang para magawa ito dahil wala pa naman sila sa trial proper at panunumpa at pormalidad pa lamang ang kanilang gagawin.

Ito na ang huling tatlong araw na sesyon bago ang sine die adjournment ng 19th Congress na siyang dahilan kaya itinulak na nila sa oposisyon na masimulan na ang impeachment proceedings at hind na hintayin pa ang nakatakdang schedule na June 11.