Kinoronahan bilang bagong Miss Universe 2026 ang pambato ng Puerto Rico na si Jennifer Barreto matapos magwagi sa ika-75 edisyon ng prestihiyosong international beauty pageant.
Nagtapos bilang first runner-up ang kandidata ng Dominican Republic, habang second runner-up naman ang pambato ng Venezuela.
Nasungkit naman ng pambato ng Pilipinas na si Bea Millan-Windorski ang ikaapat na puwesto matapos makapasok sa Top 5 ng kompetisyon. Nasa ikalimang puwesto naman ang kandidata ng New Zealand.
Bagama’t hindi naiuwi ni Bea ang korona, ipinagmalaki pa rin ng mga Pilipino ang kaniyang naging laban at matagumpay na pagdadala sa watawat ng bansa sa international stage.
Nagpakita ng magandang performance si Bea sa iba’t ibang bahagi ng kompetisyon.
Sa Question and Answer portion, ibinahagi ni Bea ang konsepto ng “turtle mentality” sa kaniyang huling sagot sa Final Question.
Binigyang-diin niya na sa halip na hilahan pababa ang isa’t isa o pairalin ang crab mentality, dapat magtulungan ang bawat isa upang sama-samang umangat.
Inihalintulad niya ito sa mga sea turtle hatchling na nagtutulungan upang mailabas sa pugad ang kanilang mga kapatid at makarating sa dagat.
Pakinggan natin ang bahagi ng pagsagot ni Bea Millan-Windorski sa Q and A portion.











