--Ads--
Arestado ang isang Most Wanted Person na may kasong Robbery in an Inhabited House matapos ang isinagawang joint operation ng iba’t ibang yunit ng pulisya sa Isabela nitong Hunyo 13, 2026 sa San Mateo, Isabela.
Ang suspek ay 23-anyos, driver at residente ng Barangay Kalabaza, Aurora, Isabela.
Ayon sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest bandang alas-2:35 ng hapon sa Barangay III, San Mateo, Isabela, na may inirekomendang piyansa na ₱120,000.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Aurora Municipal Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso sa hukuman.
--Ads--











