--Ads--

CAUAYAN CITY- Agad na binawian ng buhay ang isang estudyante sa salpukan ng Alluminum van at single motorcycle Brgy. Alibagu, Lungsod ng Ilagan, Isabela.

Ang nasawi ay si  John Leuven Donato, 20 anyos, mag-aaral, habang sugatan naman ang back rider na si Richard Novel Paguirigan, 17 anyos, mag-aaral kapwa residente ng Brgy. Digumased, Dinapigue, Isabela.

Nakilala naman ang tsuper ng Isuzu Aluminum Van Truck na si Jefferson Lucero , 39 anyos, may asawa, driver, at residente ng Brgy. San Manuel, Naguilian, Isabela.

Batay sa pagsisiyasat ng City of Ilagan Police Station napag-alaman na  isang concerned citizen ang nag ulat sa himpilan ng Pulisya kaugnay sa naganap na aksidente sa nasabing lugar.

--Ads--

Batay sa paunang imbestigasyon, bago ang insidente, ang motorsiklo lulan ang mga biktima ay tumatawid sa kalsadang papuntang Brgy. Baligatan, habang ang truck ay nasa kasalungat na direksyon.

Pagdating sa lugar ng insidente, partikular sa pababang parte ng kalsada at kurbadang bahagi ng daan ay nag overshoot ang motorsiklo at napunta sa linya ng truck na nag resulta sa banggaan.

Dahil sa lakas ng impact ay nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima.

Ang driver at backrider ng motorsiklo ay dinala ng rescue team ng DART 831 sa Isabela Doctors General Hospital (IDGH) sa Brgy. Baligatan, habang ang driver ng truck ay dinala din sa GFNDY Sr. Memorial Hospital sa Brgy. Calamagui 2nd City of Ilagan subalit idineklarang dead on arrival (DOA) si John Leuven ng kanyang attending physician.