--Ads--

Nasa kustodiya na ng pulisya ang tatlong suspek na sangkot sa pambubugbog na ikinasawi ng isang lalaking customer ng isang restobar sa Barangay San Fermin, Cauayan City.

Ayon kay PLt.Col. Canceran, naunang nagtungo si alyas “Kim” sa Santiago City ngunit kalaunan ay naaresto ng mga operatiba sa Barangay San Francisco, Cauayan City.

Samantala, boluntaryo namang sumuko sa Burgos Police Station ang dalawa pang suspek na sangkot umano sa pambubugbog sa biktimang si Ginoong Norman Mabutin.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga naarestong suspek.

--Ads--