--Ads--

CAUAYAN CITY-Patay ang isang construction Worker matapos itong bumangga sa sinusundang truck sa Prenza National Highway Brgy. San Fermin Cauayan City.

Ang biktima ay si Reymar Gaspar, lulan ng single motorcycle , 35-anyos, may asawa, at residente ng Del Pilar Alicia, Isabela.

Habang ang nakilala ang driver ng truck na si Rodolfo Culangan Jr.,34-anyos, may asawa, driver, at residente ng Brgy. Santiago, Reina Mercedes Isabela.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Cauayan, napag-alaman na parehong binabagtas ng dalawang sasakyan ang daan papuntang Alicia Isabela kung saan nasa unahan ang truck at sumusunod naman ang motor.

--Ads--

Bigla umanong pumagilid sa kabilang linya ang truck upang kumuha ng bwelong papasok sa isang compound na nasa kanang bahagi ng daan , ngunit pag liko ng truck ay aksidente naman umanong sumalpok ang motor  sa gilid nito.

Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang biktima na walang suot na helmet.

Agad dinala ang biktima sa Cauayan City District Hospital ng rumespondeng rescue 922 ngunit idineklara itong Dead On Arrival ng kanyang attending Physician.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Cauayan City Police Station ang tsuper ng truck na nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to properties.