Isinumiteni Senador Bam Aquino ng panukalang batas para repasuhin at higpitan ang partylist system upang matiyak na ang mga kinatawan nito ay tunay na nagsisilbi sa marginalized at underrepresented sectors at para makatulong sa pagsugpo ng korapsyon.
Kapag naisabatas, makatutulong ang Senate Bill No. 1559, o ang “Party List Reform Act,” para masiguro na ang party-list system ay tunay na maglilingkod sa nakararami, magbibigay ng boses sa ordinaryong Pilipino sa Kongreso, at mababawasan, kung hindi tuluyang mabura, ang posibleng pag-abuso at korapsyon sa sistema.
Binanggit ni Aquino ang isang pag-aaral noong 2025 ng election watchdog na Kontra Daya, na natuklasan na 86 sa 156 na accredited party-list groups sa 2025 elections ay konektado sa political dynasties o malalaking korporasyon.
Inaatasan ng panukala ang Commission on Elections (COMELEC) na magsagawa ng public evidentiary hearings upang beripikahin kung talagang kinakatawan ng mga organisasyon ang sektor na kanilang sinasabing pinaglilingkuran. Tinitiyak din ng proseso na ang kanilang mga nominees ay tunay na galing sa mga sektor na iyon.
Ipinapanukala rin nito na palawigin ang ilang mahahalagang deadlines, kabilang ang registration period para sa mga party-list groups mula 90 hanggang 120 araw bago ang halalan at ang pagpapalabas ng certified list ng eligible organizations mula 60 hanggang 90 araw bago ang halalan.
Hihigpitan din ng panukala ang mga patakaran sa nominees, kung saan aatasan ang partylist groups na magsumite ng hindi bababa sa anim na nominees, na ang listahan ay dapat aprubahan ng pinakamataas na decision-making body ng organisasyon.
Hindi papayagan bilang nominees ang mga taong may kaugnayan hanggang sa ikatlong degree sa anumang kasalukuyang halal na opisyal, pati na rin ang mga indibidwal na kasalukuyan o naging government contractors, kabilang ang mga opisyal ng mga kumpanya na kasali sa pampublikong imprastruktura o iba pang proyekto na pinondohan ng estado.
Nilinaw ng Land Transportation Office Region 2 na alinsunod sa ibinababa ng LTO main office ay information drive muna ang kanilang gagawin ngayong buwan...
Isang empleyado ng Tuguegarao city hall ang nahuling naglalaro ng computer game habang oras ng trabaho, ayon sa video na ibinahagi ng netizen na...
Handa na ang Isabela HPG para magiging monitoring ngayong buwan ng disymebre
Ayon kay PMajor Renoli Bagayao, Provincial Offixer ng HPG, handa na ang kanilang...
Muling gumuho ang bahagi ng flood control sa Brgy. Alicaocao matapos ang sunod-sunod na pag-ulan na dulot ng mga nagdaang bagyo.
Sa panayam ng Bombo...
Nagsampa ng criminal complaint na qualified theft ang actress-host na si Kim Chiu laban sa kapatid na si kay Lakambini Chiu matapos umano’y matuklasan...
Sinisiyasat na ngayon ng Jones Police Station ang naganap na investment scam na nakapanloko ng ilang katao at nakapagnakaw ng hindi pa matukoy na...
Binuksan na sa publiko ang Paskuhan sa Cauayan 2025, tampok ang Bancheto, Christmas Village, at Giant Christmas Tree.
Pinangunahan ni Mayor Caesar Dy Jr. ang...
Arestado ang isang umano’y tulak ng ilegal na droga na kabilang sa Regional Target List at isang drug user sa ikinasang buy-bust operation ng...
Iginawad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Barangay Seal of Excellence sa Lungsod ng Cauayan matapos ideklarang drug-cleared ang 65 barangay nito, isang...




