--Ads--

Nagdiriwang ngayon ang buong Amerika matapos mahalal si Pope Leo XIV bilang kauna-unahan na Amerikanong Santo Papa.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual na kabi-kabilaan ngayon ang naghahanda ng selebrasyon sa ilang mga lugar sa US upang ipagdiwang makasaysayang tagumpay na ito.

Hindi umano nila inasahan na Amerikano ang susunod na Santo Papa lalo na at hindi kasama ang Pangalan ni Cardinal Robert Prevost sa mga frontrunner.

Nauna na ring nagpa-abot ng pagbati si US President Donald Trump kay Pope Leo XIV.

--Ads--

Maituturing umano itong bagong simula hindi lamang para sa simbahang Katolika kundi maging na rin sa Estados Unidos.

Naniniwala naman siya na ipagpapatuloy ni Pope Leo XIV ang mga nasimulan ng yumaong si Pope Francis lalo na at nakikita umano niya ang kakayahan nito bilang isang lider.

Kaabang-abang din aniya ang magiging hakbang nito kaugnay sa mga mahahalagang usapin gaya na lamang ng Divorce.

samanatala, Ikinatuwa ng mga Pilipino sa Vatican ang pagkahalal ng bagong Santo Papa ng Simbahang Katolika.

Matapos ang ilang araw na botohan ay napili si Cardinal Robert Prevost ng Unites States of America bilang ika-267th Pope ng Simbahang Katolika bilang si Pope Leo XIV.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Jessie Games na bagama’t hindi nila inasahan ang resulta ng conclave ay hindi pa rin maitago ang kanilang tuwa dahil sa huli ay mayroon nang bagong lider ang nasa nasa 1.4 billion na katoliko sa buong mundo.

Marami kasi aniya ang umasa na si Cardinal Antonio Luis Tagle na ang susunod na Papa dahil naging matunog ang kaniyang pangalan na maaaring maging successor ng yumaong si Pope Francis.

Inaabangan naman ngayon ng marami magiging unang misa ni Pope Leo XIV bilang Santo Papa.

Umaasa naman siya na mas lalong maging maganda ang serbisyo ng simbahang katolika sa ilalim ng bagong liderato.