--Ads--
Nagtala ng makasaysayang rekord ang misyon ng NASA Artemis II matapos umabot ang Orion spacecraft, sakay ang apat na astronaut, sa higit 248,655 milya (400,171 kilometro) mula sa Earth.
Nalampasan nito ang dating tala ng Apollo 13 noong 1970 at inaasahang aabot pa sa 252,760 milya (406,690 km) bago bumalik.
Kabilang sa mga Crew ng Artemis II sina Reid Wiseman , Victor Glover , Christina Koch, at Jeremy Hansen ..
Layunin nila na magsagawa ng isang test flight sa paligid ng buwan upang subukan ang kakayahan ng Orion spacecraft at ihanda ang daan para sa Artemis III, na target magpalapag ng astronaut sa lunar south pole pagsapit ng 2028.
--Ads--
Ang Artemis II ang unang crewed mission na lumampas sa low Earth orbit mula pa noong Apollo era.








