Binigyan ng pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Kalinga ang Fighter Jet Pilot na nasawi sa plane crash sa Bukidnon.
Ang nasawing piloto ay si PAF Maj. Jude Salang-oy.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Information Officer Aurora Amilig, sinabi niya na naglabas ng resolusyon ang pamahalaang panlalawigan na nag-aatas ng pagbibigay pagkilala kay Maj. Salang-oy sa ipinakitang katapangan at sakripisyo para sa bayan.
Naiuwi na kahapon ang mga labi ni Maj. Salang-oy kung saan una itong dinala sa Provincial Capitol para sa necrological service at heroes welcome.
Matapos nito ay iniuwi na ang kanyang mga labi sa tahanan ng kanyang pamilya sa Purok 1, Bulanao, Tabuk City at nakatakdang ilibing sa araw ng sabado sa Good Shepherds Memorial Park.
Sa ngayon ay hindi pa naman tiyak kung may ibibigay na tulong ang lokal na pamahalaan sa naiwang pamilya ng nasawing piloto.