--Ads--

CAUAYAN CITY  – Magkasunod na natagpuan sa ilog ang bangkay ng magkapatid na bata matapos ang 3 araw na retrieval operation ng mga rescue teams sa  Ilagan City, Isabela.

Ang magkapatid na Rosita Manabat, 9 anyos, grade 3 pupil at Matt Manabat, 6 anyos, kindergarten ay tinangay ng malakas na agos ng tubig sa Cagayan River  noong umaga ng Linggo, ika-5 ng Pebrero 2017.

Ang bangkay ni Matt ay natagpuan dakong alas tres  kahapon ng mga kasapi ng Delfin Albano Police Station katuwang ang Dart Rescue 831 ng pamahalaang panlalawigan  sa gilid ng Cagayan River na sakop ng barangay San Antonio, Delfin Albano, Isabela.

Agad itong ipinabatid ng Rescue 831 sa  kapamilya ng bata at ito ay positibong kinilala ng kanyang mga magulang.

--Ads--

Noong umaga ng Martes ay unang natagpuan ang bangkay ng kanyang ate na si Rosita.

Matatandaang unang tinangay ng malakas na agos ng tubig si Matt. Tinangka siyang sagipin ni Rosita ngunit maging siya ay  naanod.

Nakaburol ngayon ang bangkay ng magkapatid sa kanilang bahay sa San Ignacio, Lunsod ng Ilagan.