Duda ang Think Tank na IBON Foundation sa pagpapatupad ng Food Security Emergency sa bansa.
Matatandaan na kahapaon, Peberoro 3 ay Idineklara na ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr ang Food security emergency on rice na naka-batay sa rekomendasyon ng National Price Coordinating Council.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Executive Director Jose Enrique “Sonny” Africa ng IBON Foundation, sinabi niya na mayroon lamang 300,000 Metriko Tonelada ng bigas ang National Food Authority (NFA) at ang kabuuang konsumo ng mga Pilipino sa isang taon ay 17 million MT at nangangahulugan ito na hindi ito sasapat para matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino sa bigas.
Isa naman sa mga layunin ng DA sa pagpapatupad nito ay upang damihan ang bigas sa mga KADIWA Centers ngunit iilan lamang ito kaya ilang mga Pilipino lamang nakikinabang.
Nakapaloob aniya sa pinirmahan ni PBBM na RA 1278 na gagawing 30 Billion Pesos ang Rice Compeptitive Enhancement Fund (RCEF) ngunit hindi naman aniya naibigay.
Kung seryoso aniya ang Pangulo na mapababa ang presyo ng bigas ay dapat tinutupad nito ang ipinagako niyang dagdag na pondo ng RCEF bilang suporta sa mga magsasaka.