--Ads--

Hinikayat ng Office of the Civil Defense (OCD) ang publiko na makibahagi sa Third Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa darating na Setyembre 10.

Gaganapin ang ceremonial pressing of button dakong alas-2 ng hapon sa Lungsod ng Makati.

Dadaluhan ito ng mga kinatawan mula sa iba’t-ibang ahensiya.

Layon ng nasabing NSED ay para mahasa ang publiko ng kanilang kaalaman tuwing mayroong magaganap na malakas na paglindol.

--Ads--

Kasama rin ay maipapakita ang mabilis na pagresponde ng mga emergency responders sa tuwing may insidente ng paglindol.