--Ads--

Naantala ang proseso ng naturalization ng Gilas Pilipinas prospect na si Bennie Boatwright matapos mabalam ang pag-apruba ng Senado sa kanyang Filipino citizenship nitong Lunes, Hunyo 1.

Nakatakda sana sa agenda ng plenary session ang Senate Bill No. 1595 para sa 6-foot-10 big man, ngunit hindi ito naaksyunan dahil sa kakulangan ng quorum.

Nagkaroon ng shortage sa mga senador matapos hindi sumipot ang majority bloc kasunod ng pag-aresto kay Senador Jinggoy Estrada nitong araw.

Si Boatwright ay inaasahang magiging pambato ng Gilas sa darating na Asian Games sa Nagoya, Japan upang tulungan ang bansa na depensahan ang gintong medalya.

--Ads--