--Ads--

Excited na si Bennie Boatwright na makapaglaro para sa Gilas Pilipinas sa nalalapit na FIBA World Cup Asian Qualifiers matapos makumpleto ang kaniyang naturalization process noong nakaraang buwan.

Dumating ang 30-anyos na player sa Malaysia nitong Sabado at agad na sumabak sa ensayo ng koponan kinabukasan.

Nagpasalamat si Boatwright sa mainit na pagtanggap ng kaniyang mga kasamahan at coaching staff na tumutulong sa kaniya upang masanay sa sistema ni head coach Tim Cone.

Kabilang sa gumagabay sa kaniya si CJ Perez, na dati niyang nakasama sa San Miguel Beermen sa PBA.

--Ads--

Samantala, pinuri ni Cone ang mabilis na pag-aadjust ni Boatwright sa sistema ng Gilas sa kabila ng limitadong ensayo kasama ang koponan.