--Ads--

Umabot na sa 70 porsiyento ang progreso ng negosasyon sa Code of Conduct o COC para sa South China Sea sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at China, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Kabilang sa mga pinag-uusapang probisyon ang legal na bisa ng kasunduan, mga lugar na saklaw nito at ang mga patakarang dapat sundin ng mga bansang may aktibidad sa naturang karagatan.

Layunin ng COC na magtakda ng malinaw na alituntunin upang maiwasan ang tensyon at komprontasyon, gayundin ang mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea.

Gayunman, hindi pa matiyak kung matatapos ang negosasyon bago matapos ang 2026 dahil may mahahalagang usapin pang kailangang pagkasunduan ng magkabilang panig.

--Ads--