--Ads--

Sinira at binuksan ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang nitso ng yumaong dating Vice Mayor ng Aparri na si Rommel Alameda sa isang sementeryo sa Cagayan, dahilan upang magsagawa ng imbestigasyon ang pulisya.

Ayon kay Isadel Alameda, kapatid ng dating opisyal, may ilang residente umanong nakarinig ng tunog ng pagbabakbak sa loob ng sementeryo noong gabi ng Mayo 21. Agad umano itong ini-report sa mga opisyal ng barangay ngunit wala nang naabutang suspek nang dumating ang mga awtoridad.

Kinabukasan ay nadiskubre ng pamilya na bukas at sira na ang puntod ng dating bise alkalde. Hinala ng mga kaanak, posibleng pagnanakaw ang motibo ng insidente matapos mapansing may ilang gamit na nawawala mula sa loob ng nitso.

Nanawagan naman ang pamilya Alameda sa publiko na tumulong sa imbestigasyon upang matukoy ang mga responsable sa insidente. Naglaan din sila ng ₱10,000 na pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng

--Ads--