--Ads--

Arestado ang No. 5 Provincial Top Most Wanted Person ng Isabela matapos masakote sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Brgy. Poblacion 3, Santa Maria, Isabela nitong Agosto 13.

Itinago ang suspek sa alyas na “Jericho,” 49-anyos, may asawa at residente ng nasabing bayan. Siya ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 22 sa Cabagan, Isabela kaugnay ng kasong murder.

Sa pangunguna ng Tracker Team ng Santa Maria Police Station, katuwang ang iba pang yunit ng pulisya, matagumpay na naipatupad ang warrant dakong alas-9 ng umaga. Nakasaad sa kautusan ng korte na walang inirerekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Matapos ang operasyon, dinala ang suspek sa Santa Maria Municipal Police Station para sa dokumentasyon at pansamantalang kustodiya bago iharap sa korte na naglabas ng warrant.

--Ads--