--Ads--

Matagumpay na naikasa ng Isabela Police Provincial Office ang ilang PNP Operations sa buong lalawigan ng Isabela sa buwan ng Hulyo 2026.

Sa kampanya laban sa mga Other Wanted Persons (OWP), nakapagsagawa ang Isabela PPO ng 155 operasyon na nagresulta sa 155 pag-aresto.

Samantala, sa kampanya laban sa mga Most Wanted Persons (MWP), nakapagsagawa ito ng 8 operasyon na nagbunga rin ng 8 pag-aresto.

Bukod dito, matagumpay ring naaresto ang 12 Top Most Wanted Persons (TMWP), kabilang ang 4 Regional Top Most Wanted Persons, 6 Provincial Top Most Wanted Persons, at 2 City/Municipal Top Most Wanted Persons.

--Ads--

Kabilang sa mga naaresto ang mga akusado sa kasong Qualified Rape, Statutory Rape, Rape, Violation of RA 7610, Rape and Slight Illegal Detention, Sec. 5 of RA 7610 (3 counts), Lascivious Conduct (2 counts), Act of Lasciviousness in Relation to RA 7610, Estafa in relation to RA 10175, at Murder. Ang mga operasyong ito ay isinagawa ng iba’t ibang police stations sa lalawigan bilang bahagi ng pinaigting na manhunt operations ng Isabela Police Provincial Office.