Arestado ng mga awtoridad ang isang Wanted Person sa isinagawang operasyon sa Barangay Biga Oriental, Sto. Tomas, Isabela dakong alas-1 ng hapon noong Agosto 20, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Mak,” 26-anyos, residente ng nasabing lugar.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC National Capital Judicial Region Branch 258 sa Parañaque City noong Hulyo 20, 2026, kaugnay sa kasong Robbery sa ilalim ng Article 293 ng Revised Penal Code. May inirekomendang piyansa na ₱100,000.
Matapos maaresto, dinala ang suspek sa Sto. Tomas Municipal Police Station para sa booking at dokumentasyon bago i-turn over sa korte.
Patuloy naman ang operasyon ng pulisya laban sa mga wanted person upang mapanatili ang seguridad sa komunidad.











