--Ads--

Muling pinatunayan ng National University (NU) Pep Squad ang kanilang dominasyon matapos masungkit ang ikatlong sunod na kampeonato sa UAAP Cheerdance Competition nitong Sabado, Nobyembre 21, sa Mall of Asia Arena.

Nagtala ang NU ng 693.5 puntos sa kanilang tribal-themed performance upang makuha ang ika-10 titulo sa kasaysayan ng kompetisyon.

Pumangalawa ang University of the East (UE) Pep Squad na may 664.5 puntos sa kanilang Chinese-themed routine, kasunod ang Far Eastern University (FEU) Cheering Squad na nagtala ng 647.5 puntos sa Aladdin-inspired performance.

Nasa ikaapat na puwesto ang Adamson Pep Squad na may 636.5 puntos, sinundan ng University of the Philippines (UP) Varsity Pep Squad na may 596.5 at De La Salle University (DLSU) Animo Squad na may 565.5 puntos.

--Ads--

Samantala, nagtapos sa ikapitong puwesto ang University of Santo Tomas (UST) Salinggawi Dance Troupe na may 537.5 puntos, habang ikawalo ang Ateneo Blue Eagles Pep Squad na may 469.5 puntos.

Kapansin-pansin naman ang pag-angat ng UE Pep Squad na nagtapos lamang sa ikaapat na puwesto sa nakaraang dalawang edisyon ng kompetisyon.