--Ads--

Ipinagpatuloy ni Filipino pole vaulter EJ Obiena ang kanyang magandang kampanya ngayong 2026 matapos masungkit ang gintong medalya sa Germany.

Naitala ni Obiena ang taas na 5.76 meters upang manguna sa kompetisyon at talunin si Seifeldin Abdelsalam ng Qatar na nagtapos sa 5.66 meters para sa silver medal, habang nakakuha naman ni Cole Walsh ng Estados Unidos ang bronze medal matapos malampasan ang 5.56 meters.

Ito na ang ikaanim na gintong medalya ni Obiena ngayong taon at ikalawang sunod na pagtatapos niya sa podium matapos ang kanyang silver medal finish sa Meeting Madrid sa Spain.

Matatandaang nagtala rin si Obiena ng season-best na 5.85 meters sa Madrid na nagbigay sa kanya ng silver medal sa naturang torneo.Sinubukan pa ng ika-14 na pinakamahusay na pole vaulter sa mundo na malampasan ang 5.90 meters  ngunit hindi niya ito nalampasan matapos ang tatlong pagtatangka.

--Ads--