--Ads--

CAUAYAN CITY – Itinuturing ngayon ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa United Arabs emirates at coronavirus disease (COVID-19) survivor na pangalawang buhay ang tagumpay niya sa halos sampong araw na pakikipaglaban sa virus.

Sa naging ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa nasabing OFW na mula Abu Dhabi sinabi niya na pinalakas niya ang kanyang immune system sa pamamagitan ng pagkain ng mga masusustansiyang pagkain.

Naging sandalan din niya ang taimtim na pananalangin para malabanan ang nakamamatay na virus.

Una anya siyang nakaranas ng ubo at lagnat kaya agad siyang nagtungo sa pagamutan para sumailalim sa COVID-19 testing at nagpositibo ang resulta.

--Ads--

Matapos malamang positibo sa COVID-19 ay agad siyang kinuha ng mga health workers at muling isinailalim sa testing kasama ang iba pang mga OFWs na kapwa nagpositibo rin sa virus.

Agad siyang dinala sa isang hotel sa Abu Dhabi na itinalagang COVID-19 quarantine facility para sa mga pasyenteng may mild condition.

Pinagsama-sama sa isang isolation room ang mga magkakalahing pasyente na may mild condition habang ang mga may severe case aniya ay inihihiwalay sa isang isolation room na mag-isa.

Ayon pa sa nasabing OFW wala silang kinailangang bayaran sa nasabing pasilidad at araw araw silang binibigyan at pinapapili ng pagkain.

Mula ng maisailalim siya sa quarantine ay kinukunan siya ng SWAB test kada dalawang araw at sa tulong ng masusutansiyang pagkain at pag-inom ng maligamgam na tubig na may asin ay agad siyang nakarecover sa sakit.

Anya ang pagkakaroon ng sapat na tulog at hindi pag-iisip ng mga negatibong bagay ay nakatulong rin sa kaniya para malampasan ang tinatawag na psychological stress.

Tinig ng OFW na COVID-19 survivor.