--Ads--

Nagbabala ang Office of the Ombudsman sa mga kawani ng gobyerno laban sa paggamit ng gasolina ng pamahalaan para sa pribadong sasakyan.

Ang babala ay kasunod ng kaso ni dating Bohol 2nd District Provincial Board Member Vierna Mae Boniel-Maglasang.

Sinibak sa serbisyo at tuluyang idineklarang disqualified sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno si Boniel-Maglasang matapos gumamit ng 100 litro ng government-allocated gasoline para sa mga pribadong sasakyan noong 2024.

Ayon sa Ombudsman, haharap sa pinakamabigat na parusa sa ilalim ng batas ang mga opisyal ng gobyernong mapatutunayang gumagawa ng katulad na paglabag.

--Ads--

Binigyang-diin ng ahensya na ang mga gamit at pondo ng pamahalaan ay dapat gamitin lamang para sa opisyal na tungkulin.