--Ads--

CAUAYAN CITY- Magkakaroon na ng bagong pamamaraan para sa pagsusumite ng application para sa Civil Service Commission Examination.

sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Marites Lappay ang Regional Director ng Civil Service Commission Region 2, sinabi niya na may pagsusulit sa buwan ng Agosto kung saan ang filling ay magsisimula sa May 13 na may kabuuang quota na 24,000 higit sa required ng CSC Main Office.

Aniya may pagbabago sa paghahain ng aplikasyon dahil ang aplikante ay kailangan na mag register ng account sa kanilang website.

Doon ilalagay ang mga impormasyong kailangan ng CSC at saka I priprint ang form na kanilang dadalin sa tanggapan kung sila ay mag aapply.

--Ads--

Isa sa mga benepisyo nito ay ang mas mabilisang proseso sa paghahain ng aplikasyon.

Magagamit din ang system ng CSC para sa pag set ng schedule kung ang aplikante ay naka pasa.

Maiiwasan narin ang typographical errors dahil mismong mga aplikante na ang maglalagay ng kanilang impormasyon online.