--Ads--

Overheated na electric fan ang tinitingnang sanhi ng pagkasunog ng isang bahay kubo sa isang bukid sa Labinab, Cauayan City, kamakailan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan SFO2 Reagan Bernardo, Chief Operation ng Bureau of Fire Protection Cauayan, sinabi nito na ang naturang electric fan ay naka-konek sa isang electrical outlet at nakapwesto malapit sa bedroom ng kubo.

Naitawag naman umano sa kanilang himpilan ang sunog subalit halos matupok na ang kabuuan nito nang maiparating sa kanila ang pangyayari. Aabot naman sa mahigit kumulang 49,000 pesos ang halaga ng kabuuang pinsala.

Ayon kay SFO4 Bernardo, may posibilidad talagang mag-overheat ang electric fan lalo na kung ito ay substandard at may kalumaan na.

--Ads--

Pinaalalahanan naman nito ang publiko na huwag kalimutan ang fire safety gaya na lamang ng laging pag-check sa mga appliances o anumang bagay na maaaring pagmulan ng sunog kapag aalis ng bahay.