Mahigpit nang ipinagbabawal ng Civil Service Commission (CSC) ang pag-appoint ng isang indibidwal sa pwesto sa gobyerno kasabay ng pagsisimula ng local campaign period noong Marso 28.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Director Valnizan Calubaquib ng CSC Isabela, sinabi niya na ang pansamantalang ban sa Issuance of Appointment ay magtatagal hanggang sa buwan ng Hunyo.
Maging ang pag-transfer ng tao para magtranaho sa isang Local Government Unit (LGU) ay mahigpit ding binabantayan ng kanilang tanggapan.
Ang hakbang na ito ay upang maiwasan na magamit ang mga ito sa pangangampanya.
Aniya, bago pa man ang pagsisimula ng campaign period ay nagdadagsaan na ang mga issuance of appointment sa kanilang tanggapan ngunit nilinaw niya na hndi na sila tatanggap dahil ipinagbawal na ito pansamantala.