--Ads--

Naitala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kabuuang 62 sasakyang-dagat ng China na namataan sa apat na maritime features sa West Philippine Sea (WPS) nitong Abril.

Ayon sa datos, 24 na Chinese vessels ang nakita sa Bajo de Masinloc, 12 sa Ayungin Shoal, 17 sa Escoda Shoal, at siyam sa Pag-asa Island.

Samantala, umabot sa 21,052 ang kabuuang mga barkong dumaan sa Philippine maritime zones sa parehong panahon. Sa bilang na ito, mahigit 17,000 ang foreign-flagged vessels habang higit 3,000 naman ang mga domestic ships.

Sa naturang mga dumaan, 14,343 ang tumugon sa radio challenges alinsunod sa international protocols, habang 6,709 ang hindi sumagot.

--Ads--

Tiniyak ng AFP na nagpapatuloy ang kanilang pagbabantay at operasyon upang mapanatili ang seguridad sa West Philippine Sea.