--Ads--

Nabigla ang mga residente sa United Kingdom sa pagkaka-aresto ni Andrew Mountbatten-Windsor dahil sa kaugnayan nito sa namayapang convicted sex-offender na si Jeffrey Epstein.  

Matatandaan na nitong Pebrero 19 ay inaresto ng mga awtoridad ang kapatid ni King Charles III dahil sa umano’y Misconduct in Public Office matapos matuklasan na siya ang nagbigay ng confidential na mga dokumento kay Epstein.  

Ayon kay Bombo International News Correspondent Atty. Girlie Gonito, “unprecedented” ang pagkakaaresto kay Prince Andrew dahil walang sinerve na notice ang mga awtoridad.

Bagama’t nasa kustodiya na ng Pulisya si Prince Andrew ay under investigation pa ang kaso nito at hindi pa napapatunayan kung siya ba ay nagkasala.

--Ads--

Desidido rin umano si King Charles na mapapanagot si Prince Andrew kung sakali mang nagkasala ito—bagay na hinangaan umano ng mga British Citizen.

Tinanggalan na rin ito ng titulo bilang Prinsipe ng United Kingdom.