--Ads--

Libu-libong sundalo mula sa Estados Unidos at Pilipinas ang nagsimula ng taunang military exercises ngayong Lunes, kasama sa unang pagkakataon ang malaking contingent ng puwersang militar ng Japan, kasabay ng umiigting na tensyon sa Gitnang Silangan.

Ayon sa ulat, isasagawa ang mga live-fire exercises sa hilagang bahagi ng bansa na nakaharap sa Taiwan Strait, gayundin sa isang probinsya malapit sa pinag-aagawang South China Sea kung saan patuloy ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Kabilang sa Japanese forces ang humigit-kumulang 1,400 sundalo na gagamit ng Type 88 cruise missile sa pag-target ng isang barko sa hilagang Paoay, ayon sa tagapagsalita ng exercise na si Col. Dennis Hernandez.

Mahigit 17,000 sundalo, airmen, at sailors ang kalahok sa 19-araw na Balikatan exercises, kasama rin ang mga contingent mula sa Australia, New Zealand, France, at Canada.

--Ads--

Ayon kay US exercise spokesman Col. Robert Bunn, layunin ng Balikatan na ipakita ang matibay na alyansa ng Estados Unidos at Pilipinas at patibayin ang commitment sa isang malaya at bukas na Indo-Pacific region.