--Ads--

CAUAYAN CITY- Hindi sang-ayon ang isang eksperto sa panukalang paggamit din ng water canon ng Pilipinas laban sa mga barko ng China.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Domingo Egon Cayosa, dating pangulo ng Integrated Bar of the Philippines, sinabi niya na kulang sa pag-aaral ang mga nagpa-panukalang gantihan ng water canon ang China.

Para sa isang malaking bansa ay malayong dehado aniya ang Pilipinas kung makiki-pagbrasuhan ito sa China.

Sa halip ay iminungkahi ni Atty Cayosa na palakasin ang pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa marami pang bansa na naniniwala sa rules base international law.

--Ads--

Kinakailangan rin aniya na maki-pagtulungan na rin ang Pilipinas sa ibang bansa na linangin ang mga likas na yaman ng bansa sa West Philippine Sea.

Isa ring paraan upang mabawasan ang pambubully ng China ang pagpapalakas sa Citizens Army ng bansa.

Nanawagan pa ang eksperto na sa halip na magkakawatak-watak ay dapat isulong ng Pilipinas ang pagkakaisa.

Ayon kay Atty. Cayosa bahagi ng plano ng China at ikakatuwa nila kung nagkakaroon ng hindi pagkakaintihan sa bansa.