Nagpahayag ng kalungkutan ang Malacañang nitong Huwebes hinggil sa insidente ng pag-heckle sa Davao kung saan nakita ang ilang estudyante na sumisigaw minura si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pagbisita.
Ang insidente, na nakunan ng video.
Naglabas na ng paumanhin ang Department of Education (DepEd) Schools Division ng Davao hinggil sa “inappropriate behavior” na ipinakita ng ilan sa mga estudyante, at sinabi ng DepEd na ang apat na estudyanteng sangkot ay sumasailalim na sa disciplinary measures.
Nang hindi nagbanggit ng pangalan, sinabi ni Castro na hindi matututo ng tamang pag-uugali ang mga kabataan kung ang mga taong iniidolo nila ay sila mismo ang walang magandang asal.
“Hindi matututo ng tamang pag-uugali ang mga kabataan kung ang nakikita nilang iniidolo nila na lider o ang mga nasa paligid nila ay wala rin modo, palamura at nagdarasal sa kapahamakan ng iba. Nakakalungkot lamang na nangyari ito sa eskwelahan pa na nagpapakita kung ano na nga ba ang natutunan nila sa mga paaralan, sa bahay at sa paligid nila,” ani Palace Press Officer Claire Castro.
“Let us bring back decency to our country. We should not allow our children to be neglected,” dagdag pa ni Castro.
Bagama’t hindi tinukoy ng DepEd kung aling insidente ang pinagsabihan nila sa estudyante sa Davao, isang video ang naging viral online kung saan makikita ang mga estudyante na nagmumura sa pangulo habang sumasakay ito sa kanyang helicopter.











