Pinag-aaralan ng pamahalaan ang panukalang pansamantalang sagutin ng gobyerno ang kontribusyon ng mga empleyado sa SSS at GSIS upang maibsan ang pasanin ng mga manggagawa sa gitna ng pagtaas ng presyo ng petrolyo dulot ng krisis sa Middle East.
Ayon sa Malacañang, pag-aaralan ang hiling kasabay ng umiiral na mga ayuda at relief measures ng SSS, GSIS, at Pag-IBIG para sa mga miyembro nito.
Kabilang sa mga umiiral na tulong ang loan programs, loan penalty condonation, at maagang pagpapatupad ng pension increase sa 2026, pati na rin ang mga programang pang-relief para sa employers.
Sa GSIS, ipinatutupad ang Balik-Ginhawa Program na may tatlong buwang loan moratorium, habang sa Pag-IBIG ay may special benefit package para sa repatriated OFWs, kabilang ang cash withdrawal options at loan moratorium.











