--Ads--

Lumutang ang pangalan ng aktres na si Bea Alonzo at iniintriga sa ulat kaugnay ng umano’y kanseladong kasal ng bilyonaryo heir at Filipina-Euro beauty sa Spain.

Kasunod ito ng ulat na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan kaugnay ng prenuptial agreement sa panig ng bride-to-be at groom-to-be, ayon sa mga source.

Batay sa impormasyon, tumanggi umano ang mga magulang ni BH na ituloy ang kasal nang walang prenup, lalo na dahil mabilis umano ang naging relasyon ng dalawa.

Samantala, ayaw naman umanong pumirma ni FEB dahil naniniwala itong sapat ang pag-ibig at hindi kailangan ng kasunduang pinansyal.

--Ads--

Hindi naman mapigilan ng mga netizen na banggitin ang pangalan nina Bea at Vincent Co.

Sa ngayon, wala pang komento ang dalawa habang ang iba ay hinihiritan at hinihintay si Bea na magsalita kaugnay nito.