--Ads--

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga larawang ibinahagi mula sa pagbisita ni Bea Alonzo sa Paris, France matapos mapansin ng ilang netizen ang singsing na suot ng aktres sa isa sa mga kuha.

Dahil dito, umugong ang iba’t ibang espekulasyon online, kabilang ang hinalang maaaring ito ang engagement ring na iniuugnay sa kanya at sa negosyanteng si Vincent Co.

Lalong naging sentro ng usapan ang naturang larawan dahil kabilang ito sa mga post ng mga kaibigan ng aktres habang namamasyal sila sa kabisera ng France.

May ilan ding netizen na nagtatanong kung kamakailan lamang kuha ang larawan o bago pa lumabas ang mga ulat tungkol sa umano’y hindi natuloy na pagpapakasal ng dalawa.

--Ads--

Samantala, patuloy namang nagbibigay-kahulugan ang ilang netizens sa serye ng mga larawan at sa musika na ginamit sa post, na para sa kanila ay sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan at emosyon ng aktres.

Wala pang opisyal na pahayag si Bea Alonzo kaugnay sa mga kumakalat na espekulasyon.