--Ads--
Nais umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maaresto “at all costs” si dating kongresista Zaldy Co, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla.
Ayon kay Remulla, nakatakda siyang bumiyahe sa France upang tumulong sa paghahanap at pagbabalik sa Pilipinas kay Co, na itinuturing na mastermind sa multi-bilyong flood control scam.
Sinabi ni Remulla na alam na nila kung nasaan at ang address ni Co at kumpiyansa siyang maibabalik ito sa bansa. Tinatayang maaaring abutin ng dalawang linggo ang proseso.
Umaasa rin ang kalihim na mailabas ang Red Notice ng Interpol laban kay Co. Patuloy naman ang koordinasyon ng mga awtoridad sa paghahanap sa dating mambabatas.
--Ads--










