--Ads--

Kinondena ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP-Laban) ang pag-iisyu ng warrant of arrest laban kay Vice President Sara Duterte, na tinawag nitong panibagong pag-atake umano sa lehitimong political opposition ng administrasyong Marcos.

Ayon kay PDP-Laban national spokesman Atty. Ferdinand Topacio, ginagamit umano ng administrasyon ang mga ahensya ng gobyerno upang gipitin ang mga kumokontra rito.

Nanawagan ang partido sa publiko na suportahan ang mga lider na kanilang pinili at manindigan laban sa umano’y pagtatangkang supilin ang oposisyon.

Samantala, wala pang tugon ang Malacañang sa pahayag ng PDP-Laban.

--Ads--

Matatandaang nagpalabas ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court Branch 98 laban kay Duterte kaugnay ng tatlong counts ng grave threats matapos makita ng korte ang probable cause upang litisin siya.