--Ads--
Hindi tinatanggihan ni Vice President Sara Duterte ang hamon na sumailalim sa lie detector test, ngunit iginiit niyang dapat munang ilabas ng kampo ni Rodulfo Gracioso Jr. ang video ng isinagawa umanong lie detector test sa dating pulis.
Sa press conference nitong Martes, sinabi ni Duterte na wala siyang problema sa lie detector test, ngunit kuwestiyon niya ang pahayag na pumasa si Gracioso dahil si Gracioso lamang umano ang nagsasabing nakapasa siya.
Ayon kay Duterte, hindi siya ang dapat hamunin dahil nasagot na umano niya ang mga alegasyon na nakasaad sa affidavit ni Gracioso.
Giit ng Bise Presidente, mas mahalagang makita ang video ng lie detector test ni Gracioso at kung paano isinagawa ang naturang pagsusuri.
--Ads--











