--Ads--

Naghain ng petition for certiorari sa Pasay City court ang kontraktor na si Curlee Discaya upang kwestiyunin ang pagdetine sa kaniya sa Senado.

Ito ang kinumpirma ng kaniyang Abogado na si Atty. Cornelio Samaniego III ngayong Miyerkules, Disyembre 10.

Layunin ng petition for certiorari na itama ang mga pagkakamali sa hurisdiksiyong nagawa ng mababang hukuman o grave abuse of discretion.

Ayon kay Samaniego, noon pang nakalipas na Setyembre 23 ay nakakulong na si Discaya kung saan hindi umano siya nabigyan ng pagkakataong makalaya sa pamamagitan ng kanilang petition for habeas corpus.

--Ads--

Paliwanag nito na noong matapos ang pagdinig ng Senado sa isyu ng flood control anomaly ay dapat pinalaya na ang mga inidibidwal na mayroong contempt orders.

Binigyang diin din ng abogado na walang intensiyon si Curlee Discaya na magtago mula sa mga awtoridad.

Matatandaang na-cite in contempt si Discaya ng Senate Blue Riboon Committee dahil sa umano sa pagsisinungaling kaugnay sa pagliban ng kaniyang maybahay na si Sarah Discaya sa pagdinig sa maanomalyang flood control projects noong Setyembre 18 ng kasalukuyang taon.