--Ads--

Pinayagan ng Pasay City court na makapagpiyansa ang dating broadcaster na si Jay Sonza matapos siyang maaresto noong Huwebes sa bisa ng warrant na nagsasaad na non-bailable ang kinakaharap niyang kaso.

Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Mark Tolentino, dahil walang pasok at sarado ang mga korte noong Linggo, nakatakda silang maghain ng piyansa sa Lunes ng umaga.

Naaresto si Sonza kaugnay ng kasong unlawful publication dahil sa umano’y pag-post online tungkol sa kalagayan ng kalusugan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.