--Ads--

CAUAYAN CITY- Personal na dinaluhan at binisita ng dating alkalde ng Cauayan na ngayon ay Philippine ambassador to Switzerland, ang ginanap na flag raising sa lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ambassador Bernard Dy, isa sa kanyang sinadya sa lungsod ay ang obserbahan ang eleksyon upang matiyak na nananatiling payapa ang kanyang pinagmulan.

Batay aniya sa mga naipaparating sakanyang impormasyon ay payapa naman ang eleksyon sa lungsod at wala namang election related incidents.

Umaasa ang Ambassador na magiging friendly competition lamang ito at hindi mag-uugat ng personal na hidwaan sa mga partido.

--Ads--

Dagdag pa ni Ambassador na napagdesisyonan niyang bumoto dito sa lungsod ng Cauayan upang hindi masayang ang kanyang karapatang bumoto.

Sinamantala na rin ni Ambassador Dy ang pagkakataong makabisita siya sa lungsod upang magbigay paalala sa mga tumatakbong kandidato na dapat ay kanilang seryosohin ang pagbibigay ng serbisyo sa taong bayan at ipinapaalala niya na ang eleksyon ay isang friendly competition lamang.

Patuloy naman aniya siyang susuporta kung sino man ang mailuluklok sa posisyon, at patuloy pa rin siyang gagabay sa adhikaing mapabuti ang lungsod sa pamamagitan ng iba’t-ibang proyekto na kanyang maitutulong.