--Ads--

Nagpalabas ng abiso ang Embahada ng Pilipinas sa mga Pilipino na agaran nang umalis sa Lebanon habang nakabukas pa ang airport o paliparan ito ay sa gitna parin ng tensyon na nararanasan sa naturang bansa.

Sa inilabas na abiso ng embahada, pinapayuhan ang lahat ng mga Pilipino na unahin ang kanilang kaligtasan at lisanin ang bansa sa lalong madaling panahon.

Dagdag pa sa facebook post ng Embahada na kung hindi man makakaalis ng Lebanon ay pinapayuhan ang mga pinoy na mag evacuate sa mas ligtas na lugar sa labas ng Beirut, South Lebanon, at Beeka Valley.

Matatandaan sa mga nakalipas na linggo ay lalong umigting ang tensyon sa pagitan ng Lebanon-based Hezbollah at Israel matapos tumama ang mapaminsalang rocket sa Golan Heights.

--Ads--