--Ads--

Bumawi ang Philippine stock market matapos dagsain ng mga investor ang mga shares na bumaba ang presyo kasunod ng selloff noong nakaraang araw.

Umakyat ng 1.30% o 80.12 points ang benchmark Philippine Stock Exchange index sa 6,238.46.

Tumaas din ng 1.14% ang All Shares index sa 3,435.23.

Ayon sa Philstocks Financial, nakatulong sa pag-angat ng lokal na merkado ang bargain hunting at pagtaas ng Wall Street.

--Ads--

Samantala, umabot sa ₱8.79 bilyon ang trading turnover, habang nanatiling net sellers ang mga foreign investor na may ₱555.34 milyong net outflow.