Patuloy na pagbaba ng Philippine Stock Exchange index o PSEi at nagtapos sa ibaba ng 6,000 level dahil sa matinding selling pressure sa merkado.
Bumagsak ng 48.25 points o 0.8% ang main index para magsara sa 5,956.33. Nanguna sa pagbaba ang mga bangko, habang umangat naman ang mining at services sectors.
Umabot sa 2.22 bilion shares ang volume ng kalakalan na nagkakahalaga ng ₱18.8 bilyon.
Ayon sa mga analyst, nakadagdag sa selling pressure ang MSCI rebalancing, kasabay ng pangamba ng mga investor sa epekto ng ipinatupad na interest rate hike ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Noong Agosto 27, itinaas ng BSP ng 25 basis points ang key policy rate nito sa 5 porsiyento, ang ikatlong rate hike ngayong taon.
Samantala, patuloy ding binantayan ng mga investor ang paghina ng ekonomiya at ang rekord na pagbaba ng piso, na nagsara sa ₱62.26 kada US dollar nitong Biyernes.











