--Ads--

Posibleng hindi makapag-export ng asukal ang Pilipinas sa Estados Unidos ngayong taon dahil sa inaasahang kakulangan sa lokal na produksyon.

Ayon kay Sugar Regulatory Administration Administrator Pablo Luis Azcona, naapektuhan ang mga taniman ng tubo ng mga pagbaha noong nakaraang taon, habang banta rin ang red-striped soft scale infestation at El Niño sa produksyon.

Dahil dito, pinag-aaralan ng SRA kung matutuloy ang pag-export sa US, na may nakalaang quota na 145,235 metric tons. Pinal na desisyon hinggil dito ay gagawin umano pagsisimula ng sugar milling season sa Oktubre.

Ayon naman sa United Sugar Producers Federation, maaaring hindi sapat ang produksyon para matugunan ang lokal at industrial demand, dahilan para muling suriin ang plano ng bansa sa pag-export ng asukal.an ng mga migrants.

--Ads--