--Ads--

Kinilala ng Guinness World Records ang bagong bukas na “Snack Kingdom” sa Changsha, China bilang pinakamalaking tindahan ng snacks sa mundo.

Binuo ng retail chain na Mingming Henmang, ang napakalaking tindahan ay may lawak na 12,000 square meters o 1.2 hectares. Ang Snack Kingdom ay mayroong higit 35,000 klase ng chichirya mula sa 70 bansa. Pagpasok pa lamang, sasalubong na ang makulay na “snack corridor” na nagdidisplay ng libu-libong produkto.

Ilan sa mga pangunahing atrak­syon dito ay ang “Instant Noodle City” na nagtatampok ng higit 3,500 klase ng instant noodles, mula sa mga classic­ brand hanggang sa mga pambihirang flavors. Bukod dito, binabalik-balikan din ang kanilang sek­syon ng softdrinks na nagmula pa sa 20 bansa, kabilang na ang mga kakaibang flavor tulad ng salted cola.

Sa kabila ng ma­ta­gumpay nitong pagbubukas noong Abril 17, napilitang pansa­mantalang iti­nigil ng pamunuan ang pag­ti­tinda makalipas ang dalawang araw dahil sa labis na pagdagsa ng mga mamimili. Ito ay upang para mag-restock at pag-aralan ang pagpapabilis ng checkout system. Gayunman, bukas pa rin ang tindahan para sa mga nais mamasyal at kumuha ng litrato.

--Ads--