--Ads--

Pumanaw noong Miyerkules si Inah Canabarro Lucas, isang madre mula sa Brazil na kinilalang pinakamatandang tao sa mundo, sa edad na 116, sa lungsod ng Porto Alegre.

Ang titulong “pinakamatandang tao sa mundo” ay ngayo’y naipasa kay Ethel Caterham, 115-anyos na residente ng Surrey, England.

Ipinanganak noong Hunyo 8, 1908, si Canabarro ay kinilala bilang pinakamatandang tao sa mundo matapos pumanaw noong Enero ang Haponesang si Tomiko Itooka, na 116 anyos din.

Inanunsyo ng Congregation of Teresian Sisters of Brazil ang pagpanaw ni Canabarro, kanilang pinasalamatan ang kanyang “dedikasyon at debosyon” bilang madre.

--Ads--

Ayon sa LongeviQuest, iniuugnay ni Canabarro ang kanyang mahabang buhay sa pananampalataya sa Diyos. Nang siya’y magdiwang ng kanyang ika-110 kaarawan, tumanggap siya ng biyaya mula kay Pope Francis, na pumanaw rin noong nakaraang Lunes sa edad na 88.