--Ads--

Malaking tulong para sa mga tsuper at operator ang inaasahang malaking tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na Linggo.

Batay sa pagtaya ng Department of Energy (DOE), posibleng

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mody Floranda, Presidente ng grupong PISTON, sinabi niya na malaking tulong ito hindi lamang sa sektor ng transportasyon kundi sa lahat ng gumagamit ng produktong petrolyo.

Aniya, Kahit papaano ay madaragdagan ang kita ng mga namamasada na malaking tulong para sa kanilang pamilya.

--Ads--

Sa kabila nito, binigyang-diin ni Floranda na pansamantala lamang ang rollback at maaari pa itong mabago sa mga susunod na pagkakataon kaya naman patuloy pa rin nilang isinusulong ang dagdag kita para sa mga tsuper.

Bagama’t mayroong ibinigay na ayuda o subsidy ang pamahalaan para sa mga driver, marami umano ang hindi naabot ng programa sa kabila ng pahayag ng LTFRB na naipamahagi na nila sa mga Chairman ng mga kooperatiba ang tulong.

Dahil dito ay inaalam ng kanilang hanay kung saan ba nagkakaroon ng problema upang matugunan ang naturang isyu.

Patuloy naman silang nananawagan sa pamahalaan na ibasura na ang Oil Deregulation Law at pagtanggal sa excise tax at VAT na magiging malaking tulong umano sa lahat ng sector.