--Ads--
Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na nakatanggap ito ng impormasyon hinggil sa umano’y planong pag-alis ng bansa ni dating House Speaker Martin Romualdez na hindi natuloy.
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, batid ng kampo ni Romualdez ang umiiral na derogatory records at mga restriksiyong maaaring makaapekto sa kanyang pagbiyahe palabas ng bansa.
Nagbabala rin ang BI na mahigpit nitong ipatutupad ang umiiral na batas sakaling magkaroon ng aktuwal na pagtatangkang umalis ng Pilipinas.
Nauna nang ibinunyag ng Office of the Ombudsman na nakatanggap ito ng intelligence reports na nagsasabing nagtangka umanong makalabas ng bansa si Romualdez habang kinakaharap ang mga usapin kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control project.
--Ads--





